Ex-Sen. Rene Saguisag pumanaw na

0
206

Nagluluksa ang sambayanan sa pagpanaw ng dating Senador na si Rene Saguisag sa edad na 84 anyos.

Si Saguisag ay advocate ng karapatang pantao sa panahon ng diktaduryang Marcos at isa sa mga nagtataguyod ng Free Legal Assistance Group.

Sa pamamagitan ng social media, kinumpirma ng kanyang pamilya ang pagpanaw ni Saguisag kasabay ng kanilang hiling na bigyan muna sila ng “ilang sandaling privacy” habang sila ay nagluluksa.

“It is with profound sadness that we announce the passing of our dear Papa and Lolo,” saad sa Facebook post ni Rebo Saguisag, anak ng kilalang human-rights lawyer.

Naging tagapagsalita si Saguisag ng dating Pangulong Cory Aquino mula sa pagiging human rights lawyer simula noong 1972 hanggang 1986. Nagsilbi rin siyang senador mula 1987 hanggang 1992 bilang kasapi ng Liberal Party at pinuno ng Committee on Ethics.

Kaagad namang ipinaabot ng Senado ang kanilang pakikiramay sa pamumuno ni Senate President Juan Miguel Zubiri. Inilagay sa “half mast” ang bandila sa harap ng gusali ng Senado bilang pagpapakita ng kanilang pakikidalamhati sa pagpanaw ni Saguisag.

Author profile
Paraluman P. Funtanilla
Contributing Editor

Paraluman P. Funtanilla is Tutubi News Magazine's Marketing Specialist and is a Contributing Editor.  She finished her degree in Communication Arts in De La Salle Lipa. She has worked as a Digital Marketer for start-up businesses and small business spaces for the past two years. She has earned certificates from Coursera on Brand Management: Aligning Business Brand and Behavior and Viral Marketing and How to Craft Contagious Content. She also worked with Asia Express Romania TV Show.