Nakompromiso ang Facebook page ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos ma-access ito ng isang ‘unknown entity.’
Kinumpirma ng PCG na bandang 6:00 ng gabi noong Lunes, Pebrero 26, nang maganap ang insidente.
Batay sa isinagawang initial diagnostic ng Coast Guard Public Affairs (CGPAS), ang naturang unknown entity ay walang iniwang anumang digital traces ng official email address at ng mobile phone na ginamit ng CGPAS upang i-establisa ang security key bilang karagdagang layer ng online security protection.
Huli silang naka-access at nakapag-post sa kanilang FB page bandang 10:00 ng umaga.
Ayon kay PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armand Balilo, may namonitor ang CGPAS na dalawang malisyosong short videos sa kanilang official FB page.
Gayunman, nang tangkain nilang burahin ang mga naturang videos, ang service ay inalerto ng isang forced switch account notification.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin nababawi ng PCG ang access sa kanilang FB page.
Pansamantala rin muna nilang ginagamit ang FB account na Tanod Baybayin.
Noong Pebrero 15, 2024, isang security breach na rin ang na-monitor ng CGPAS sa kanilang official X account (dating Twitter) ngunit kaagad itong naresolba.
Noong Enero 2024 naman, nakatanggap din ng alert ang PCG mula sa Department of Information and Communication Technology (DICT) hinggil sa na-monitor na hacking sa PCG website.
Gayunman, nang rebisahin ang website, nakumpirma ng CGPAS na walang hacking activity na ini-report sa PCG website.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo