Facebook, X, Instagram posibleng kasuhan sa Pilipinas dahil sa rampant na online scams

0
179

Iniimbestigahan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang posibilidad na kasuhan ang tatlong kilalang social media platforms dahil sa lumalalang problema ng online scams.

Ayon kay CICC Executive Director Alexander Ramos, nagtagumpay ang Facebook, Instagram, at X (dating Twitter) na hindi mapigilan ang mga online scams na nagiging sanhi ng malawakang panloloko sa publiko. “Hindi lang Facebook, tatlong platforms ang aming kakasuhan. Magpapasa kami ng opisyal na reklamo,” ani Ramos.

Ipinaliwanag ni Ramos na hindi sapat ang hakbang na ginagawa ng mga nabanggit na platforms para maprotektahan ang mga consumers laban sa iba’t ibang uri ng modus operandi sa online.

Bagamat may karapatan ang publiko na mag-post ng mga scammer, tila hindi ito sapat na aksyon para sa FB, Instagram, at X. Ayon pa kay Ramos, “Sa dami ng aming dokumento dito, hindi sila nagko-cooperate towards implementation of local laws natin. For them to operate lalong-lalo na pagdating sa negosyo, online commerce, dapat they should adhere to local regulations also.”

Binigyang-diin din ni Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Amanda Nograles na maaaring regulahan ng pamahalaan ang mga dayuhang negosyo na nag-ooperate sa bansa, kabilang ang pagtanggal ng online posts ng mga posibleng pekeng online sellers at pagpapataw ng multa.

Naniniwala si Nograles na mahalaga ang papel ng mga social media companies sa pagmo-monitor ng mga negosyong gumagamit sa kanilang platform. Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsusulong ng gobyerno para sa mas ligtas at reguladong online na kalakaran.

#OnlineScams #SocialMediaRegulation #CybercrimePH

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo