Farm implements ipinamahagi ni LB Mayor Genuino sa magsasaka ng Bayog

0
288

Los Baños, Laguna. Pinangunahan ni Mayor Anthony F. Genuino ang ikalawang flag raising ceremony sa ilalim ng kanyang administrasyon sa bayang ito kahapon.

Sa kanyang talumpati, humingi siya ng patuloy na pang-unawa sa mga empleyado sa hinggil sa pagsasaayos at pagrerebisa ng mga departamento kaugnay ng pangalawang linggo ng transition process ng kanyang administrasyon. 

Ayon kay Mayor Ton, maaasahan na sa ginagawang pag-aaral ng kanyang administrasyon ay hangad nila ang mas mabilis at epektibong trabaho at serbisyo ng mga departamento para sa mamayan ng Los Banos.

Kasabay nito ay ipinagkaloob ni Genuino, sa tulong ng Department of Agriculture IV-, ang mga modern farming equipment tulad ng four-wheel drive tractor with implements, one unit hand tractor with trailer at one unit rice transplanter sa Samahan ng Magsasaka ng Bayog. 

Nagbigay din  ng libreng fertilizers sa mga magsasaka mula sa pondo ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños. Ito ay upang ipagbili sa murang halaga sa mga miyembro at magsilbing revolving fund ng kanilang samahan. 

“Sa ating magsasaka ito po ay hindi huli kundi simula pa lamang ng ating pagtulong sa inyong sektor. Asahan po ninyo ang ating pagtutok at mas marami pang tulong sa sektor ng agrikultura,” ayon sa alkalde.

Samantala, pinaalalahanan din ni Genuino ang mga empleyado na huwag maliitin ang Covid-19. Sundin ang safety protocols, ang simpleng pagsusuot ng mask, social distancing at pagkain sa kanya kanyang mesa sa loob ng opisina. 

“We should be a good example,” ayon kay Mayor Ton.

Binanggit din ng alkalde ang paglalagay ng mas mahigpit na safety protocols sa bawat entrance ng munisipyo upang tiyak namamonitor ang mga Covid related cases lalo na ang mga pumapasok at lumalabas sa entrance nito.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.