Fault line sa NCR, maaaring magdulot ng magnitude 7.1 lindol; MMDA handa sa malawakang Evacuation

0
1048

MAYNILA — Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang fault line sa Metro Manila ay maaaring magdulot ng magnitude 7.1 na lindol kung gumalaw ang humigit-kumulang 100-kilometer long fault system na bumabagtas sa ilang lungsod at probinsya sa kalakhang Maynila at karatig rehiyon.

Kasama sa naturang fault system ang Bulacan, Quezon City, Marikina, Pasig, Makati, Taguig, Muntinlupa, Rizal, Cavite, at Laguna. Ayon sa pagtataya ng Phivolcs, maaaring mahigit 30,000 katao ang mamatay at higit 100,000 ang masugatan sa ganitong kalakas lindol.

Bilang paghahanda, hinati ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang National Capitol Region sa apat na quadrant para sa mas organisadong paglikas at rescue operations:

  • North: Caloocan, Valenzuela, Quezon City, San Juan, Mandaluyong
  • East: Pasig, Marikina
  • West: Manila, Malabon, Navotas
  • South: Las Piñas, Makati, Muntinlupa, Parañaque, Pateros, Taguig, Pasay

Magtatalaga rin ang MMDA ng operation centers at staging areas na magsisilbing evacuation sites para sa mga apektadong residente. Ilan sa mga itinalagang lugar ay ang Veterans Memorial Golf Course, University of the Philippines Diliman, LRT-2 Santolan Depot, Marikina Boys Town, Red Cross Marikina, Ultra Pasig, Intramuros Golf Course, at Villamor Air Base Golf Course.

Dagdag pa ng MMDA, ang mga athletic fields, sports arenas, memorial parks, simbahan, at gym na itatalaga ng local government units (LGUs) ay gagamitin ding evacuation centers sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Bilang alternatibong ruta para sa rescue at relief operations, magsisilbing daanan ang Ilog Pasig sakaling masira ang mga tulay sa Metro Manila dulot ng lindol, alinsunod sa Oplan Metro Yakal Plus ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Ang planong ito ay nakapaloob sa malawakang contingency measures ng ahensya para sa posibleng magnitude 7.2 na lindol na maaaring idulot ng West Valley Fault.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na disaster preparedness ng Metro Manila sa harap ng posibilidad ng malaking lindol na matagal nang binabantayan ng Phivolcs.

Isang opisyal ng barangay sa Quezon City ang nagpapakita ng marka na nagsasaad kung saan dumaraan ang West Valley Fault ng Marikina Valley Fault System sa kahabaan ng Batasan-San Mateo Road. PHOTO: MIKE DE JUAN
Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo