FDA: Humihingi ng approval ang ASF vaccine maker para sa product certification

0
152

Ipahayag ng Food and Drug Administration (FDA) noong Biyernes ng umaga na kasalukuyan silang kumikilos para sa pagsang-ayon ng isang bakuna laban sa African Swine Fever (ASF).

Ayon sa FDA, isang kumpanya ang nagpasa ng application para sa sertipikasyon ng pagpaparehistro (CPR) kahit pa ang nasabing bakuna ay nasa ikalawang yugto pa rin ng clinical trial.

“Hinihintay lang po namin ‘yong resulta ng kanilang clinical trial and we already gave them a positive nod for their phase 2 clinical trial. Pero ang gumagawa po ng clinical trial ay di naman po ang FDA, ‘yong Bureau of Animal Industry (BAI),” pahayag ni FDA Director-General Samuel Zacate.

“Abangan po namin na ma-submit nila ‘yong mga necessary findings nila para po ma-evaluate natin kasi kami po ang nag-i-issue ng CPR,” dagdag pa niya.

Napuna rin ng FDA na dapat nasa ikatlong yugto na ng clinical trial ang isang produkto upang aprubahan para sa CPR.

Noong Hunyo, humingi ng pahintulot ang Bureau of Animal Industry (BAI) mula sa FDA para sa pagpapalabas ng AVAC, isang bakunang mula Vietnam laban sa ASF na isang simpleng turok lang ang kailangan para sa mga biik na may edad na apat hanggang sampung linggo.

Nitong Hulyo, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siya ring ay kalihim ng Department of Agriculture na ang unang yugto ng safety and efficacy trials ng ASF vaccine ay may 80% na rate ng bisa. Binanggit rin niya na ang ASF at bird flu pa rin ang pinakamalaking banta sa mga hayup na dapat tugunan ng pamahalaan.

Ayon sa DA, may aktibong kaso ng ASF sa 16 probinsya hanggang Hunyo 29.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.