FDA nagbabala laban sa kontaminadong cancer treatment solution na Methotrexate

0
176

Naglabas ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) nitong Lunes, Marso 18, tungkol sa paggamit ng Methotrexate 100 milligram/milliliter (mg/ml) na solusyon para sa intramuscular (IM) at intravenous (IV) injection.

Ayon sa pahayag ng FDA, ang Methotrexate, na gawa ng Bruck Pharma Private Limited ng India at ipinamahagi ng Nelpa Life Sciences, Inc. sa bansa, ay isang mahalagang gamot sa paggamot ng kanser at iba pang malalang sakit na hindi nasasagot ng pangkaraniwang gamot.

Ngunit natuklasan ng FDA ang malubhang isyu ng kontaminasyon sa isang batch ng gamot na may code na I23J001A, kung saan natagpuan ang “Pseudomonas aeruginosa,” isang mapaminsalang uri ng bacteria.

Binigyang-diin ng ahensya ang panganib na dulot ng Pseudomonas aeruginosa sa dugo, na maaaring magresulta sa seryosong komplikasyon at kamatayan.

Pinapayo rin ng FDA na sa mga pasyenteng may mahinang immune system, mahalagang magkaroon ng maingat na pagsusuri sa kalidad ng gamot upang maiwasan ang anumang problema sa kontaminasyon.

Dahil sa tindi ng sitwasyon, ipinag-utos ng FDA ang agarang paghinto sa paggamit at pagbibigay ng lahat ng available na batch hanggang sa susunod na abiso.

Hinimok din ng ahensya ang mga drug establishment na ipatupad ang mahigpit na pamamahala sa panganib at pagtugon sa mga paglabag sa kaligtasan ng mga gamot.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo