Federation of Free Farmers: Krisis sa bigas, titindi sa 2024

0
371

Nagbabala ang Federation of Free Farmers (FFF), isang grupo ng mga magsasaka, na mas lalala pa ang krisis sa bigas sa taong 2024. Ayon kay FFF National Chairman Raul Montemayor, ang pagtaas ng halaga ng retail price ng bigas sa kabila ng panahon ng anihan ng palay sa bansa ang pangunahing sanhi ng problemang ito.

Dagdag pa ni Montemayor, posibleng magkaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas sa buwan ng Pebrero at Marso bago ang sumapit ang tdry season harvest, at muling magiging hamon ito sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre ng susunod na taon.

Sa kabila ng inaasahang peak palay harvest season simula Oktubre 2024, inilahad ni Montemayor na posibleng tumaas ang retail price ng bigas. Ito ay dahil sa mababang ani ng palay ng mga magsasaka dahil sa epekto ng mga kalamidad at ng El Niño phenomenon. Dagdag pa niya, hindi rin umaasa na magkakaroon ng malakihang importasyon ng bigas na makakatulong sa pagtugon sa mataas na pangangailangan ng mamamayan.

“We are seeing two reasons here, one, because of high imported rice. The high imported rice affects the domestic price, causing the farmgate price of palay to go up. Second, it is possible that our harvest is not that big contrary to the claim of the Department of Agriculture,” ayon sa pahayag ni Montemayor.

Binanggit niya na bagamat inaasahan ang pagbaba ng presyo sa panahon ng anihan, patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng bigas. Ang farmgate price ng palay ay nasa P30 kada kilo ngayon, at ayon kay Montemayor, tumataas ito dahil sa kakulangan ng suplay.

“About two to three months from now, what would be our situation especially with the El Niño, our dry season crop in March and April would be affected and it could be worse in July, August and September, during the lean months next year,” dagdag pa ni Montemayor.

Sa monitoring ng Department of Agriculture sa mga palengke sa Metro Manila, umabot na sa P56 kada kilo ang retail price ng local regular milled rice, P55 kada kilo ang local well-milled rice, P60 kada kilo ang local premium rice, at P68 kada kilo ang local special rice.

Umabot naman sa P58 kada kilo ang imported well-milled rice, P69 kada kilo ang imported premium rice, at P65 kada kilo ang imported special rice.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.