Fertilizer voucher ng DA ipamamahagi sa mga magsasaka

0
529

Malapit ng ipamahagi ang mas maraming fertilizer discount voucher sa mga benepisyaryo ng magsasaka upang matiyak ang napapanahong pagkakaroon ng pataba para sa produksyon ng palay.

Sa isang balita kanina, sinabi ng Malacañang na ang Department of Agriculture (DA) ay naglabas ng memorandum na nag-a-update ng mga alituntunin sa pagpapatupad ng isang fertilizer discount voucher project sa ilalim ng National Rice Program.

Sa ilalim ng Memorandum Order 65, saklaw ng fertilizer discount voucher ang mga rehiyong may mga taniman ng inbred at hybrid rice seeds maliban sa National Capital Region (NCR) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang fertilizer discount voucher ay para sugpuin ang mga kakulangan sa paglalagay ng urea fertilizer sa produksyon ng palay at matiyak ang food security.

“The DA shall provide fertilizer vouchers to eligible beneficiaries which will be used in acquiring urea fertilizers. The use of fertilizer vouchers offers an alternative to farmers with lower purchasing power to buy a sufficient volume of urea recommended for their rice area,” ayon sa order. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.