Fishing tycon, itinalaga bilang bagong DA secretary

0
460

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatalaga kay Francisco Tiu Laurel Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA). Inihayag mismo ni Marcos ang kaganapang ito sa isang press conference sa Malakanyang, kung saan ay nanumpa kay Marcos si Laurel.

Ayon kay Marcos, “I am very happy to have been able to announced the new appointment of one of the most important departments in our government at ito parang, isinama na natin na ang pagtingin natin sa private sector ay partner sa lahat ng mga ating gagawin,”

Dagdag pa ni Marcos, “Kasalukuyan kong ipinatupad ang panunumpa sa opisina ng bagong kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka, si Francisco Laurel.”

Tiwala si Marcos na magagampanan ni Laurel ang mga tungkulin nito, lalo’t may malawak itong karanasan sa industriya ng pangingisda at agrikultura. Naniniwala rin si Marcos na may abilidad si Laurel na hanapin ang mga solusyon sa mga isyu sa sektor ng agrikultura, at kilala nito ang mga eksperto at propesyonal sa larangan.

Buong puso namang tinanggap ni Laurel ang hamon ni Pangulong Marcos na maglingkod sa sektor ng agrikultura. Pahayag ni Laurel, “Bilang kinatawan ng Pangulo, layunin ko na ipagpatuloy ang mga adhikain at programa nito sa sektor ng agrikultura.”

Dagdag pa niya, “Pangunahing layunin ko ay siguruhing may saganang ani na makakarating sa hapag-kainan ng bawat Pilipino. Layunin ko na tiyakin na mayroong sapat at masustansyang pagkain na mabibili ng ating mga kababayan sa tamang halaga.”

Binanggit din ni Laurel ang kahalagahan ng modernisasyon ng sektor ng agrikultura upang makatulong sa mga lokal na magsasaka at mangingisda.

Sa kanyang pag-aaral, nagtapos si Laurel sa University of Sto. Tomas na may degree sa computer science. Siya rin ang presidente ng Frabelle Fishing Corporation, ayon sa kanilang opisyal na website.

Matatandaan na mula nang maupo bilang Pangulo noong Hunyo 2022, si Marcos ang tumayong kalihim ng DA.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.