Flash report: NCR, isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha; walang pasok bukas

0
256

MAYNILA. Idiniklara na ang state of calamity sa National Capital Region (NCR) dahil sa malawakang pagbaha na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat at Tropical Cyclone Carina ngayong araw ng Miyerkules. Ang desisyong ito ay ginawa ng Metro Manila Council (MCC) matapos ang pagpupulong na pinangunahan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.

Sa naturang pagpupulong, sinabi ni Secretary Abalos, “There is a motion to declare Metro Manila in state of calamity by Mayor Francis Zamora and Chairman Don, seconded by Mayor Lani Cayetano, the motion is hereby approved. Metro Manila is now in a state of calamity.” Sinuportahan din ang mungkahi ni MMDA Chairman Romando Artes at Taguig Mayor Lani Cayetano.

Inaprubahan ng MCC ang deklarasyon matapos pumabor ang 12 sa 17 lokal na opisyal. Hindi nakadalo sa pulong ang lima na hindi bumoto. Sa pagdeklara ng state of calamity, pinapayagan ang lokal na pamahalaan na gamitin ang kanilang emergency funds para sa relief operations para sa mga naapektuhang residente.

Maraming lugar sa Metro Manila ang lubog na sa baha dahil sa walang tigil na pag-ulan mula nitong Martes, dulot ng bagyong Carina at Habagat. Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., “Usually, ang state of calamity is the LGU (local government unit) executive.’Pag regional, it’s because nagkasabay-sabay. Pagka three regions ang involved then already the national has to come in.”

Dahil sa patuloy na ulan at pagbaha, sinuspinde ng Malacañang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa Metro Manila ngayong Miyerkules. Marami ring lugar sa labas ng Metro Manila ang sinuspinde ang klase.

Walang paasok bukas, Huwebes, Hulyo 25, 2024 dahil sa epekto ng baha:

  • Metro Manila (kasama ang trabaho sa gobyerno)
  • Calabarzon (kasama ang trabaho sa gobyerno)
  • Central Luzon (kasama ang trabaho sa gobyerno)
    • Bulacan (kasama ang trabaho sa pribadong kompanya)
  • Pangasinan (kasama ang trabaho sa gobyerno)

I-refresh ang page na ito para sa mga bagong update.

Tumaas ang tubig sa Marikina River sanhi ng walang tigil na pag-ulan na dala ng bagyong Carina ngayong Miyerkules.
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.