Frontliner, nanawagan sa pambansang pagkakaisa matapos makuha ang suporta ng PDP-Laban

0
532

Nananawagan ang Frontliners Ang Bida Partylist para sa pambansang pagkakaisa upang mapanatili ang 11-point mark agenda na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP Laban) tungo sa mas mabuting Pilipinas.

Nagpahayag na ng suporta sina PDP-Laban President Alfonso Cusi at Secretary-General Melvin Matibag sa Frontliners Ang Bida Partylist #111 bilang isa sa tatlong partylist kasama ang Sandugo #77 at Ako OFW #10 sa ilalim ng political wing nito para sa nalalapit na national presidential halalan sa Mayo 9.

Ang naghaharing partido ni Duterte kasama ang mga naghahangad na senatorial bets nito ay nagpahayag ng suporta kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at presidential daughter na si Sara Duterte bilang tanging presidential at vice-presidential candidate nito, ayon sa pagkakasunod-sunod, sa press conference ng partido noong Martes sa B Hotel sa Quezon City.

“Kami ay nananawagan para sa pambansang pagkakaisa upang matulungan ang mga frontliner sa buong bansa at nagpapasalamat kami na nakuha namin ang buong suporta ng PDP-Laban,” ayon sa unang nominado ng Frontliners Ang Bida Partylist na si Jayke Joson. “Walang poot dito, ngunit naniniwala kami na ang mga plataporma ng PDP ay hindi lamang mabuti para sa mga frontliner kundi pati na rin sa buong bansa.”

Ang paglaban sa katiwalian; pagpuksa ng kahirapan; pagsulong ng kapayapaan at kaayusan; pagtatapos ng pandemya; talunin ang komunistang terorismo; pagpapanatili ng paglago ng ekonomiya; pagpapalakas ng pambansang depensa at relasyong panlabas; pagbuo ng mga trabaho; mga repormang pang-edukasyon; desentralisasyon at pagbibigay kapangyarihan sa lokal na pamahalaan; at ang charter change at pederalismo ay maayos na ipinatutupad sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong Duterte sa pamamagitan ng anim na taong mabuting pamamahala.

Ang mga agenda na ito ay dapat mapanatili upang matulungan ang mga pulis, sundalo, nurse, medical staff, doktor, barangay workers, food delivery boys, at iba pang frontliners, na nagdarasal para sa double hazard pay, tax-free allowance, libreng insurance policy para sa lahat ng frontliners. at ang pagtanggal ng no pay, no work policy para sa mga may sakit na frontliners.

“Ang mga frontliner ay bahagi ng 11-point agenda na ipinatupad ng administrasyong Duterte lalo na noong nagsimulang magwasak ang Covid-19 pandemic dalawang taon na ang nakararaan. Ngayon, gusto namin ng pagpapatuloy at pagpapabuti para sa aming mga frontliners kaya nagpapasalamat kami sa suporta ng PDP at pagiging bahagi ng mga progresibong plano nito,” dagdag ni Joson.

Dumalo rin ang mga kandidatong senador ng PDP na sina Rey Langit, Robin Padilla, Astra Pimentel, Rodante Marcoleta at Salvador Panelo, at Olongapo City aspiring Mayor Arnold Vegafria sa proklamasyon ng PDP kay Marcos Jr. bilang pangulo nito.

Ang Frontliners ay isa sa 178 partylist candidates na maglalaban-laban para sa potensyal na 63 pwesto sa House of Representatives.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.