Frontliners Partylist nakipag thanks giving kay Rep. Sol Aragones

0
297

Liliw, Laguna. Nagpahayag ng suporta kay Laguna 3rd District Representative Sol Aragones si dating Taekwondo practitioner Jayke Joson ng Frontliners Partylist noong Sabado sa Balay Celina, bayang ito.

Ang ginanap na thanksgiving event ay dinaluhan ng humigit kumulang na 500 bisitang frontliners na nabigyan ng maagang pamaskong cellphone, gift certificates, bisikleta at bigas mula kay Aragones.

“I would like to thank the Frontliners for saving the life of my parents last year during the height of the pandemic when they were infected by Covid-19. I know the everyday struggle of being a Frontliner, not only those working in hospitals but also the police, soldiers and our delivery boys,” ayon kay Joson na first nominee ng nabanggit na partylist.

Si Laguna 3rd Rep. Sol Aragones na tumatakbo ngayon bilang gobernador ng Laguna ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa Frontliners Partylist sa pagsuporta sa araw-araw na laban ng mga doktor, nars, pulis, sundalo at mga food delivery boys, bukod sa iba pang manggagawa.

“I would like to thank Frontliners Partylist for being the voice of our very own life savers in the Congress soon. Thank you for offering your time and life to help them. We are with you in this fight, we will support you,” ayon kay Aragones.

Dumalo din dito si Liliw Mayor Nhon Montesines at ang kandidatong vice mayor nito na si Maria “Ayette” Ticzon.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.