Fruit vendor nabudul ng Php 54K: Mga suspek, bugbog sarado

0
498

Biñan City, Laguna. Natiklo sa ikatlong balak na pambubudol kamakalawa ang dalawang lalaki na nakapambiktima sa mga fruit stall owners sa Binan public market kahapon. 

Ang mga suspek na kinilalang sina Gilbert Labiternos at ang kasama.nitong driver ay bugbog sarado sa mga tauhan ng mga nilokong stall owner matapos silang bumalik upang muling isagawa ang kanilang modus operandi.

Batay sa pagsisiyasat ng Binan Police Station, si Labiternos ay bumili ng isang kahong ubas na nagkakahalaga ng Php 2,500 noong nakaraang linggo at humingi ng resibo. Dinagdagan ng mga suspek ng isa pang zero ang presyo sa resibo upang maging Php 25,000 at ito ang ipinakita sa bodegero ng binilhan ng ubas na nagbigay ng sampung kahon sa halip na isa lang.

Ayon sa salaysay ni Lyndon Perez, nabudul na may ari ng tindahan ng ng prutas, ang panloloko ay ginawa din ng mga suspek sa kanyang asawa sa isa pang insidente sa bukod na tindahan ng prutas kung kaya’t inabangan nila ang pagbabalik nito.

Kamakalawa ay muli ngang nagbalik ang dalawang suspek kung kailan sila ay nabugbog bago isinuko sa mga pulis.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.