Asahan ang muling pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel sa Holy Week, ayon sa mga eksperto sa industriya.
Sa abiso na inilabas noong Sabado, sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na posibleng tumaas ng ₱0.30 hanggang ₱0.50 ang presyo ng diesel kada litro mula Abril 4 hanggang 10.
Samantala, ang presyo ng gasolina ay maaaring tumaas ng ₱1.20 hanggang ₱1.40 kada litro.
Bukod dito, mas mataas na dagdag ang nakatakdang ipatupad ng Pilipinas Shell na unang naglabas ng anunsyo hinggil sa fuel price hike.
Sa kanilang anunsyo, P1.05 kada litro ang tataas sa kanilang gasolina, P.75 kada litro sa diesel at P.60 sentimos kada litro sa kerosene.
Ang pagbabago sa presyo ng langis ay bunga ng sunud-sunod na pagbaba ng presyo noong nakaraang mga linggo.
Batay sa monitoring ng presyo ng langis ng Department of Energy noong Marso 28, may net na pagbaba ng presyo ng lokal na diesel (₱4.15/liter) at net na pagtaas ng presyo ng gasolina (₱4.65/liter) sa taong kasalukuyan.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.