Fuel truck na naglalaman ng 20,000 litro ng gas, hinayjack

0
233

Batangas City.  Na highjack ang isang fuel truck na naglalaman ng 20,000 litro ng gasolina habang nakaparada sa isang gas station sa Brgy. Bolbok, lungsod na ito.

Ayon sa paunang pagsisiyasat ng Batangas PNP, bandang 11:00 ng gabi ay ipinarada ng driver na kinilalang si Francis Duarte ang tanker truck sa MaxinFuel Gas station ipang idiskarga ang laman nito kinabukasan. Ayon sa kanya ay iniwan nya ang tanker upang kumain ngunit pagbalik niya ay wala na ang trak.

Sa tulong ng mga tauhan ng PNP, gamit ang GPS tracking device, natuton ang fuel truck kahapon sa Brgy. Mahabang Parang sa Batangas na wala ng laman.

Samantala, ipinag utos ni  PCol. Glicerio Cansilao, hepe ng Batangas PNP ang pag tugis sa mga hindi pa nakikilalang mga hijacker.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.