Full alert na ang PNP para sa halalan sa Mayo 9

0
560

Full alert na ang Philippine National Police (PNP) para sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 9, ayon sa statement ni PNP Chief Dionardo Carlos kahapon.

Nakakasa na ang lahat ng istasyon ng pulis sa buong bansa upang makatiyak sa maayos at mapayapang eleksyon, dagdag pa niya.

Bilang bahagi ng paghahanda nito sa seguridad sa halalan, ang PNP noong Miyerkules ay sabay-sabay na binuksan ang “National Election Monitoring and Action Center” (NEMAC), at ang Regional Election Monitoring and Action Centers (REMACs).

Nauna dito, sumailalim din sa refresher course ng mga tungkulin ng Board of Election (BOE) inspectors ang 988 na mga pulis na naitatalaga naman para mag standby at handang humalili sa mga teacher-BOE sakaling mabigo ang mga ito na gampanan ang kanilang mga tungkulin o di kaya’y iwanan nito ang kanilang mga posts sa mismong araw ng botohan nang dahil sa ilang security concerns.

Sinanay din ng AFP ang 2,000 sa kanilang mga kawani na itatalaga rin sa nabanggit na tungkulin.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.