Full blown accounting ng Covid-19 vaccines, hiniling ni Escudero

0
127

Nanawagan si Senador Francis Escudero noong Lunes para sa ganap na pag-audit ng mga gastusin sa bakuna sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) na nagsasabing may karapatan ang publiko na malaman ang lahat ng pagbili ng bakuna sa panahon ng pandemya.

Sinabi ni Escudero na hindi matukoy ang kabuuang halaga ng nagastos dahil nagdududa rin siya kung ang tinatawag na “non-disclosure agreement” (NDA) na nilagdaan ng gobyerno sa mga manufacturer ng bakuna bago ang pagbebenta ay maaaring gawing dahilan para itago ang mga detalye ng bilihan.

“The NDA goes against Section 6 (the transparency clause) of Republic Act 11525 or the Covid-19 Vaccination Program Act of 2021, which requires the publication of the approved budget of contract and the amount of contract awarded on vaccine purchases. Millions of vaccine shots have unfortunately expired. But what does not go stale is the responsibility to disclose the details of the billions spent for them. The vaccines do not carry an immunity from accountability,” ayon kay Escudero.

Inilarawan niya ang NDA bilang isang “new breed of an excuse” upang maiwasan ang pananagutan at dapat itong itigil.

Dahil dito, hinimok ng Bicolanong senator ang Commission on Audit (COA) na mag-subpoena ng mga dokumento at ang Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ay dapat sumunod.

Naiulat na sa 245 milyong dosis ng mga bakunang Covid-19 na binili o natanggap ng gobyerno nang libre, humigit-kumulang 44 milyon ang nag-expire sa pagtatapos ng 2022.

“Hanggang ngayon, walang price list na lumabas kung magkano ang Sinovac, ang Moderna, ang Pfizer at iba pa. And yet, we fine small grocery stores for not complying with the price tag law. ‘Yung tindahan na hindi nailagay ang presyo ng sardinas, may multa. Itong sa bukana, deadma,” ayon pa rin kay Escudero.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.