Gadgets store hinoldap, mahigit na 100 Cellphone tinangay

0
152

PILA, Laguna. Nagulantang ang publiko sa bayang ito nang salakayin ng apat na armadong lalaki ang isang gadgets shop dito kamakalawa, kung saan tinangay nila ang mahigit sa 100 na cellphone na nakalagay sa display cabinet ng tindahan.

Sa ulat ng Pila Municipal Police Station, 11:20 ng tanghali nang pasukin ng mga suspek ang A&D Gadgets Shop na matatagpuan sa BKJAMMB Bldg. sa Brgy. Bulilan Norte, Pila, Laguna. Agad na nagdeklara ng holdap ang mga ito, armado sila ng baril sa pagpasok sa establisimyento.

Sa loob ng maikling panahon, agad na nilimas ng apat na suspek ang mga naka-display na gadgets bago sila sumakay sa dalawang motorsiklo at mabilis na tumakas.

Ang mga suspek ay naka-long sleeve shirt na itim na may tatak na “Team Katagumpay” at mayroon ding jacket na pink at itim.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon at dragnet operation ng pulisya upang matunton at madakip ang mga suspek sa insidenteng ito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.