Gas station sa Cavite, hinoldap ng 3 armadong suspek

0
131

Dasmariñas City, Cavite. Hinoldap ng tatlong kalalakihan na magkaangkas sa isang motorsiklo ang Phoenix Gasoline Station sa Brgy. Salitran 4, lungsod na ito, Cavite, noong Hulyo 24. Ang insidente ay naganap bandang 10:22 ng umaga sa Lot 2 & 3, The Orchard.

Ayon sa mga ulat, ang dalawang suspek ay bumaba sa motorsiklo at nagkunwaring pupunta sa comfort room. Ngunit agad silang pumasok sa opisina ng gasolinahan, nagdeklara ng holdap, at tinangay ang hindi pa matukoy na halaga ng kita, pati na rin ang isang Redmi 9C na cellphone.

Matapos ang panghoholdap, sumakay ang dalawang suspek sa motorsiklo at tumakbo sa direksiyon ng Abad Santos Avenue. Sa kasalukuyan, isinasagawa ng pulisya ang backtracking gamit ang Closed Circuit Television (CCTV) upang matukoy at makilala ang mga suspek.

Ang pulisya ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon at naghahanap ng karagdagang impormasyon upang mahuli ang mga salarin.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.