Gatchalian: Protektahan ang mga delivery riders sa mga abusadong customer

0
314

“Kung gusto nating protektahan ang mga delivery riders mula sa mga pekeng booking at hoax order, dapat din natin silang protektahan mula sa mga abusadong customer,” ayon kay Senator Win Gatchalian.

Ang panawagan ni Gatchalian ay ipinalabas matapos mag-viral ang isang video sa internet na sinasakktan at hinihiya ng isang kostumer ang isang food delivery rider dahil wala itong ekstrang perang panukli.

Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2302 o ang iminungkahi ng “Food, Grocery, and Pharmacy Delivery Services Protection Act,” na naglalayong parusahan ang mga nagsasagawa ng panlilinlang laban sa mga delivery riders o sa mga umaabuso sa kanila sa pamamagitan ng mapanlinlang a online orders o pagtanggi na tumanggap ng cash on delivery na kumpirmadong order. Si Gatchalian ang co-author ng nabanggit na bill.

Sinabi niya na nabahala siya sa video na nagpapakita ng isang customer na sinusubukang salakayin ang isang food delivery rider dahil sa hindi sapat na pansukli para sa kanyang P1,000 bill.

“Anumang klaseng pang-aabuso sa kapwa, nang dahil lang sa hindi pagkakaintindihan, ay hindi katanggap-tanggap. Hindi dahil customer ay palagi nang tama. Walang dahilan upang pagmalabisan ang mga delivery rider na naghahanap buhay ng marangal,” ayon kay Gatchalian.

Batay sa panukalang Internet Transactions Act. Section 13 (c) states that it will be unlawful for consumers to unreasonably shame, demean, embarrass or humiliate online delivery partners.  Any person who violates this provision shall be punished with arresto mayor or a fine exceeding P100,000 without prejudice to any other available remedies under existing laws.

“Sakaling maging ganap na batas na itong mga panukalang ito, mabibigyan na ng sapat na proteksyon ang mga delivery riders laban sa mga customer na mapang-abuso, mapanghamak, at nanghihiya ng wala sa lugar,” dagdag pa ng senador.

Ang ipinapasang bill ay naglalayong magpatupad ng sapat na proteksyon sa mga karapatan ng consumers at delivery personnel.

Photo credits: latestchicka.com
Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo