“Kung hindi ko sisimulan ang paglilinis na ito, sino ang gagawa, matagal kong pinagisipan ang hakbang na ito at naniniwala ako na magbubunga ito ng ikakabuti ng ating organisasyon. Dapat lamang na maging magandang halimbawa tayong mga matataas na opisyal sa ating mga subordinates upang tayo ang pamarisan nila. Bago ako magretiro sisikapin kong malinis ang imahe ng ating organisasyon upang matapos na o kung hindi man ay mabawasan ang droga sa ating bansa,” ayon sa mensahe ni PNP ChiePolice General Rodolfo S. Azurin Jr. sa Bigkis-lahi Event Center, Camp BGen Vicente P Lim sa Calamba City kamakailan.
Sinalubong ng arrival honor ang Chief PNP, kasama si PRO 4A Regional Director PBGen Jose Melencio C Nartatez Jr., sa kanyang pagdating at agad na tumuloy sa Bigkis-lahi event center at nakipag-usap sa lahat ng tauhan ng PRO 4A kabilang ang third level police, mga opisyal, Provincial Director, Chiefs of Police, at Regional Support Units.
“Kaya ako nagpunta sa inyo ay upang pasalamatan kayo ng personal dahil sa inyong supporta sa aking panukalang courtesy resignation sa mga 3rd level na mga officer. May mga tumalima na sa panawagan ng ating secretary ng DILG. Nais kong ipaunawa na ang ating hakbangin ito ay hindi para pahirapan o ibaba ang moral ng bawat isa, alam kong ang iba ay nalungkot at naguluhan ngunit ito ay para sa ikakabuti ng ating organisasyon.” ayon kay Azurin.
Kasaby nito, ipinahayag ni PGen Azurin ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mabuting pakikitungo ng mga miyembro ng PRO CALABARZON. Sa kanyang talumpati, inulit niya ang pagpapanatili ng moral ascendancy at magandang imahe ng PNP sa lipunan.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.