Ginang na hindi nagpabale, ginilitan ng leeg

0
360

Bacoor City, Cavite. Laslas sa leeg at wala ng buhay nang natagpuan ang isang 58 anyos na ginang sa loob ng kanilang bahay sa lungsod na ito.

Batay sa nakalap na report, kinilala ang biktima na si Felicitas Policarpio Soriano, may live-in partner na residente ng Block 21 Lot 45 Beige St. Camella North Springville, Brgy. Molino 3 Bacoor City, Cavite

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Patrick John Manabat Gonzales, 21 anyos na stay in helper at residente ng Brgy. Agnaya, Plaridel Bulacan na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa report, dakong alas-6:00 Sabado ng umaga noong Pebrero 11 nang natagpuan ni Leonor Giducos (kaibigan ng biktima) na patay na sa loob ng kanyang kwarto sa bahay ang biktima.

Napag-alaman na bago ang pagpatay ay nanghihiram ng pera ang suspek sa biktima subalit hindi ito pinautang.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nasa tatlong linggo pa lamang naninilbihan bilang stay-in helper ang suspek sa tindahan ng anak ng biktima.

Nabatid na matapos ang pagpatay, tumakas ang suspek ng madaling araw na nakita sa kuha ng Closed Circuit Television (CCTV).

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.