Ginang pinatay, isinilid sa drum ng boyfriend na Kano

0
350

BACOOR CITY, Cavite. Pinatay sa sakal bago isinilad sa drum ng 71 anyos na live-in partner na Amerikano ang isang ginang sa lungsod na ito kamakalawa.

Naaagnas na at halos hindi na makilala ng makita ang bangkay ng biktima na kinilalang si Mila Loslos, 48 anyos na nakasilid sa isang drum sa bahay ng kinakasama nitong Kano bandang 1:00 ng hapon.

Ayon sa anak ng biktima na si Jay Loslos, 21 anyos na college student, ilang araw ng nawawala ang kanyang ina at naireport na nila ito na “missing person” sa pulisya.

Kaugnay nito, inaresto ng pulisya ang live-in partner ng biktima na nakilalang si William Thomas Worth, isang American national, matapos na madiskubre ang naagnas na bangkay ng kinakasama.

Hindi na nanlaban ang suspek at kaagad na umamin sa  ginawang pagpatay sa biktima.

Ayon sa imbestigasyon, lu­ma­labas na pinatay ng suspek sa sinakal ang biktima at upang maitago ang krimen ay binalot nito sa kumot ang bangkay at isiniksik sa isang blue drum na binalutan ng garbage bag at duct tape.

Nadiskubre ang krimen noong hanapin na ng anak ng biktima ang ina at puntahan sa bahay ng kinakasamang Kano kung saan ay nakaamoy sila ng masangsang na amoy sa loob ng bahay. Ginalugad ng mga pulis ang bahay ng suspek ay nakitaang isang drum na pinanggagalingan ng nakakasukang amoy.

Nakuha din ng pulisya sa crime scene ang tatlong patalim at nylon na tali na posibleng ginamit sa krimen.

Sa tantya ng mga awtoridad, 3 hanggang 4 na araw nang patay ang biktima.

Isa sa mga nakikitang anggulo sa krimen ang selos.

Nasa kustodiya na ng pulis ang Amerikanong suspek na nakatakdanf humarap sa kasong murder.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.