Ginawaran ng QUILTS Award ng USAID ang Laguna

0
410

Sta. Cruz, Laguna. Tinanggap ni Gob. Ramil Hernandez at ng Laguna Medical Center-HIV and AIDS Core Team (LMC-HACT) ang QUILTS Award o Quality Uptake and Improvements in Lifesaving Treatment Services na iginawad kamakailan ng United States Agency for International Development (USAID).

Ipinagkaloob ang parangal bilang pagkilala sa LMC na kauna-unahang HIV Treatment Hub sa Region 3, NCR at CALABARZON. Kinilala din ang LMC bilang isang Certified rHIVda Confirmatory Laboratory.

Ang LMC ay may kakayahang gumawa ng Rapid HIV Confirmatory testing. Hindi na kakailanganing ipadala sa ibang ospital ang blood sample sapagkat nagagawa ito sa LMC at tatanggap din ito ng mga referral mula sa ibang pagamutan. 

Binigyang halaga din ng nabanggit na award ang pagsunod ng LMC sa Department of Health- Administrative Order No. 2019-0001 o Guidelines on the Implementation of Rapid HIV Diagnostic Algorithm (rHIVda) upang maisakatuparan ang pasilidad.

Magpapatuloy ang LMC-HACT sa pamumuno ni LMC Chief Dr. Judy Rondilla at HACT Head Dr. Catherine Ortiz upang patuloy na maihatid ang Serbisyong Tama para sa programang pangkalusugan sa lalawigan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.