Sta. Rosa City, Laguna. Nagsagawa ng surprise drug testing sa ilalim ng programang Oplan Harabas kaninang madaling araw ang Philippine Drug Enforcement Agency sa Region 4A (PDEA 4A) sa isang terminal compound sa Brgy. Balibago sa lungsod na ito na gumulat sa mga driver ng public transport.
Sumailalim sa surprise random drug test ang 1,600 na tsuper ng bus, jeep, tricycle at UV Express na pinangasiwaan ng PDEA Calabarzon.
Ayon kay PDEA 4A Assistant Regional Director Billy Viray, sakaling may tsuper na mag positibo ay ire-refer nila ito sa PDEA ng lokal na pamahalaan at irerekumenda na sumailalim sa community based drug rehabilitation program kapag muling nag positibo sa confirmatory test.
Pansamantalang kukumpiskahin ng LTO ang lisensya ng tsuper na mag popositibo at ibabalik lamang kapag nakatapos na sa rehabilitasyon.
Dalawang tricycle driver ang nag positibo sa isinagawang surprise drug test.
Katuwang ng PDEA sa surprise drug test ang Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Philippine National Police at mga local government unit.
Kevin Pamatmat
Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.