Global biomanufacturing training hub, itatatag ng WHO sa South Korea

0
440

Bangladesh, Indonesia, Pakistan, Serbia at Vietnam tatanggap ng teknolohiyang mRNA mula sa technology transfer hub

Geneva. Inanunsyo kagabi ng World Health Organization (WHO), Republic of Korea at WHO Academy ang pagtatatag ng isang pandaigdigang biomanufacturing training hub na magsisilbi sa lahat ng low- and middle-income countries na nagnanais na gumawa ng mga biological, tulad ng bakuna, insulin, monoclonal antibodies at gamot sa kanser. Ang hakbang ay isinagawa matapos ang matagumpay na pagtatatag ng isang global mRNA vaccine technology transfer hub sa South Africa.

“One of the key barriers to successful technology transfer in low- and middle-income countries is the lack of a skilled workforce and weak regulatory systems. Building those skills will ensure that they can manufacture the health products they need at a good quality standard so that they no longer have to wait at the end of the queue,” ayon kay WHO Director-General, Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Ang Republika of Korea ay nag-alok ng isang malaking pasilidad sa labas ng Seoul na nagsasagawa ng mga pagsasanay sa biomanufacturing para sa mga kumpanyang nakabase sa bansa. Palalawakin na ngayon ang mga operasyon nito upang mapaunlakan ang mga magsasanay mula sa iba’t ibang bansa. Ang pasilidad ay magbibigay ng technical and hands-on training on operational and good manufacturing practice requirements at makadagdag sa mga partikular na pagsasanay na binuo ng mRNA vaccine technology transfer hub sa South Africa. Makikipagtulungan ang WHO Academy sa Korean Ministry of Health and Welfare upang bumuo ng isang komprehensibong kurikulum sa pangkalahatang biomanufacturing.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.