General Nakar, Quezon. Patay ang isang Grade 5 student na batang babae matapos sagasaan ng Mitsubishi Montero na minamaneho ng isang teacher, kamakalawa sa bayang ito.
Kinilala ni PCol. Joel Villanueva, Quezon Police provincial Director ang biktima na si Princess Avellaneda, 11 anyos na Grade 5. Dead on arrival sa ospital ang bata sanhi ng mga sugat na tinamo nito sa ulo.
Nahaharap naman sa kasong homicide si Myla Astrera, 50 anyos na guro at residente ng Barangay Pamplona, General Nakar.
Ayon sa paunang imbestigasyon, bandang 4:45 ng hapon noong Lunes habang tinatahak ng SUV ang highway sa nabanggit na bayan ay biglang tumawid ang bata at ayon sa driver ay hindi na kinaya ng preno na iwasan ang biktima.
Kasalukuyang nakikipag usap ang nakasagasa sa pamilya upang makipag ayos.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.