Grade 8 student at pinsan, pinagbabaril sa Quezon

0
367

Candelaria, Quezon. Dead on arrival sa ospital ang isang second year high school student at pinsan nitong may ari ng vulcanizing shop, matapos pagbabarilin sa Sitio Baloyboy, Barangay Masin Sur sabayang ito.

Kinilala ni PLt. Col. Dennis De Leon, chief of police ng Candelaria Municipal Police Station ang mga biktima na sina Alexander Perez, 26 anyos at Jimber Perez,19 anyos na estudyante, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Kinilala at itinuro ng mga kaanak at mga testigo na nakasaksi sa pangyayari ang mga suspek na sina John Peter de Villa, 22 anyos na residente ng Barangay Pahinga at Romnick Pasahol, 21 anyos na estudyante ng Poblacion, Candelaria.

Ayon sa pahayag ni De leon, nakatayo sina Jimber sa tapat ng vulcanizing shop ni Alexander ng biglang dumating ang dalawang suspect na sina Devilla at Pasahol. Agad umanong bumunot ng baril si De Villa at pinaputukan sa mukha at dibdib si Jimber. 

Nakatakbo naman si Alexander subalit hinabol at binaril sa kaliwang balikat na tumagos sa kanyang kili kili.

Isingod ng mga ng mga residente sa Peter Paul Medical.Center ang mga biktima subalit idiniklarang dead on arrival ang mga ito ng mga attending doctors.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.