Gretchen dumalo sa hearing sa kaso ng nawawalang sabungeros

0
589

MAYNILA. Dumalo kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang aktres na si Gretchen Barretto para sa preliminary hearing kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungeros.

Si Barretto ay kabilang sa mga pinadalhan ng subpoena ng DOJ para humarap sa reklamong multiple murder at serious illegal detention na inihain ng mga pamilya ng mga nawawala.

Nang tanungin ng media kung naniniwala ba siyang magiging patas ang imbestigasyon, tanging “I trust” ang naging tugon ng aktres.

Samantala, ang kanyang legal counsel na si Atty. Alma Mallonga ang nagsumite ng counter-affidavit para sa panig ni Barretto. “The reason we’re filing a counter-affidavit right now… based on what we have been saying from the very beginning that we feel that the accusations against her are unsubstantiated, incredible, and there’s every basis for the complaint to be dismissed,” ani Atty. Mallonga.

Hindi naman personal na dumalo ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang. Tanging ang kanyang abogado na si Atty. Gabriel Villareal ang kumatawan sa kanya sa pagdinig.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.