Groundbreaking ceremony ng Female barracks ng Laguna PPO, idinaos

0
346

Sta. Cruz, Laguna. Idinaos kanina sa pangunguna ni Acting, Provincial Director, Police Colonel Cecilio R. Ison Jr. ang groundbreaking ceremony ng Female Barracks (Sandigan Hall) sa Kampo Heneral Paciano Rizal, Brgy. Bagumbayan, bayang ito.

Ang nabanggit na proyekto ay alinsunod sa Intensified Cleanliness Policy ng PNP.

Kabilang sa mga dumalo sa pasinaya ang panauhing pandangal at tagapagsalita na si Mayor Cesar V. Areza ng Munisipyo ng Pagsanjan.

Ang groundbreaking ay kasabay ng Traditional Monday Flag Raising Ceremony ng Laguna Police Provincial Office, na dinaluhan ng mga tauhan nito.

Ang nabanggit na kuwartel ay titigilan ng mga babaeng tauhan ng PNP na nakatalaga sa loob ng Provincial Office na hindi residente ng Laguna.

Bahagi ito ng patuloy na pag-unlad ng Laguna PNP headquarters, na magpapalakas sa moral ng mga tauhan nito at maging mas epektibo sila sa pagganap ng kanilang tungkulin.

“With this, we are hopeful that by this, our personnel will be more comfortable despite that they are not at their respective residence during their tour of duty. It is given in our mandate that we give our dedication to our sworn duty. Sa ganito paraan man lang ay mabigyan natin ng maayos na pahingahan ang ating mga kapulisan.” ayon kay Ison.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.