Guarantee letters ng DSWD, tatanggapin na sa Mercury Drug

0
689

MAYNILA. Simula ngayong araw ng Lunes, Hunyo 2, tatanggapin na ng ilang sangay ng Mercury Drug stores sa buong bansa ang guarantee letters (GLs) mula sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga guarantee letters ay maaaring gamitin bilang pambayad para sa mga gamot sa mga piling Mercury Drug branches. Aabot sa 92 sangay sa National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Central Visayas, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, SOCSKSARGEN, at Caraga ang kikilala at tatanggap ng GL na inisyu ng DSWD.

Ang AICS ay nakatuon sa pagtulong sa mga indibidwal at pamilyang nakararanas ng matinding krisis o trahedya. Samantala, ang AKAP ay nakalaan para sa mga indibidwal na kumikita ng mas mababa sa minimum wage. Sa programang ito, mas mabibigyang ginhawa ang mga benepisyaryo sa pagbili ng kanilang mga pangunahing gamot.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.