Gumagamit ng DIY zipline ang mga residente sa Laguna upang tumawid sa ilog

0
277

Sta. Maria, Laguna. Ilang residente sa bayan ng Sta. Maria, Laguna ang gumagamit ng improvised zipline upang tumawid sa ilog.

Ayon Chairman Felix Manigbas ng Brgy. Adia, minabuti ng mga nakatira sa nabanggit na barangay na gamitin ang zipline matapos tangayin ng rumaragasang ilog ang tulay sa kanilang lugar sa gitna ng bagyong Florita.

Ayon naman sa municipal engineering office na inihanda na nila ang mga materyales upang itayo ang bagong tulay na nakatakdang magsimula bago matapos ang buwan.

Ang nabanggit na zipline na may habang 50 metro mula sa magkabilang pampang ng ilog at may taas na 10 talampakan. Hinimok nito ang mga residente na ihinto na ang paggamit ng DIY zipline sapagkat panganib ito. Idinagdag niya na may alternatibong paraan kagaya ng paglalakad paikot sa baybay ilog upang makarating sa kabilang pampang.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.