Gun nunner arestado, illigal na droga nakumpiska sa buy-bust ops

0
454

Sta. Cruz, Laguna. Inaresto kahapon ng pinagsanib na operasyon ng San Pablo City Police Station (CPS) Drug Enforcement Unit (DEU) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Garry C Alegre, Chief of Police at 1st Laguna PMFC 3rd Maneuver Platoon si Andy Aguila alyas Andy, 18 taong gulang, sa Brgy. San Lucas 2, San Pablo City matapos siyang magbenta ng isang .22 pistol revolver na walang serial number sa mga pulis na nagpanggap na buyer.

Sa isinagawang preventive search, nakumpiska sa suspek ang apat (4) na piraso ng cal. 22 live ammunition at dalawang (2) pirasong plastic sachet na hinihinalang pinatuyong dahon at buto ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng Php 1,000 pesos. Narekober din sa kanya ang Php 1,600 pesos na ginamit bilang buy-bust money.

Ayon sa report, nakarating sa San Pablo CPS ang mga ulat na ang suspek na si Aguila ay kilalang gun runner sa San Pablo City kung kaya nagsagawa ng buy-bust operation.

Sa bukod na operasyon, inaresto ng Calamba City Police Station (CPS) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Arnel Pagulayan, Chief of Police, si Windell Puda alyas Den-Den, 30 anyos, sa Brgy. Real, Calamba City na nagbebenta ng iligal na droga sa isang pulis na nagsilbing poseur buyer kapalit ng 500 pesos.

Sa preventive search, nakumpiska sa apat (4) na piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may bigat na 2 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng 13,600 pesos.

Sa isa pang operasyon ng pulisya ng Calamba CPS ay nagresulta sa pagkakaaresto sa isang 37 anyos na construction worker na nagngangalang Ronie Lenticos, sa Brgy. Bucal, Calamba City na nagbebenta ng iligal na droga sa isang pulis na nagsilbing poseur buyer kapalit ng 500 pesos.

Nakumpiska sa suspek ang apat (4) na piraso ng plastic sachet na hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 6,800 pesos.

Ang mga naarestong suspek ay pansamantalang nakakulong sa kani-kanilang himpilan ng pulisya at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at sasampahan din si Andy Aguila ng paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in relation. sa COMELEC Resolution No. 10728 (Gun ban). Ang mga nasamsam na ebidensya ay isusumite sa PNP Crime Laboratory Office para sa forensic at ballistic examination, ayon sa report ni Acting Provincial Director of Laguna PPO, Police Colonel Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Antonio C.Yarra

“Kami po ay nagpapasalamat sa ating mga kababayan na patuloy na nagbibigay ng impormasyon sa ating mga pulis upang malabanan ang iligal na droga sa ating komunidad gayun din ang ilegal na pagbebenta ng baril na maaring magamit sa krimen,” ayon kay Campo.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.