Gunman ng 5 homeless sa NYC at DC, pinaghahanap

0
381

Hinahanap ngayon ang isang gunman na responsable sa pamamaril at pagpatay sa mga lalaking homeless na natutulog sa mga kalye ng New York at Washington D.C.

Dalawa na ang napatay at tatlo ang nasugatan sa pamamaril ng mga natutulog na palaboy sa loob ng wala pang dalawang linggo.

Ayon sa report ng NYPD, binaril ng suspek ang isang palaboy habang ito ay natutulog at pinatay ang isa pa sa loob ng kanyang tent sa Manhattan noong Sabado ng umaga.

Ayon naman sa Metropolitan Police Department ng Washington D.C., hinahanap nila ang nabanggit na suspek matapos ang tatlong katulad na insidente noong Marso 3 hanggang Marso 9.

Nakita ng mga imbestigador na ang mga ballistic evidence sa mga natagpuang biktima ay nag uugnay sa isang baril.

Ipinapakita ng surveillance video mula sa Howard Street sa Chinatown ng New York City na sinisipa ng gunman ang isa sa kanyang natutulog na biktima at tumingin-tingin muna sa paligid bago ito binaril.

Iniaalok ngayon ang $70,000 na reward para sa impormasyon na makakapagturo sa pag aresto sa suspek – $25,000 sa NYC, $25,000 sa DC at $20,000 mula sa ATF.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.