Gunrunner arestado, high powered na mga baril at bala kumpiskado

0
169

Calauan, Laguna. Arestado ang isang lalaki matapos makuha sa kanya ang matataas na kalibre ng baril sa bayang ito kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna Provincial Police Office ang suspek na si alyas Richil.

Ayon sa ulat ni Police LT. Col Philip T. Aguilar, hepe ng Calauan Municipal Police Station, nakumpiska sa suspek ang isang improvised M16 rifle, isang kalibre 45 pistol, isang kalibre 22 revolver, isang 40mm grenade HE, at sari saring kalibre ng mga bala.

Ang suspek ay nakatakdang humarap sa kasong RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at kasalukuyang nakakulong sa Biñan City Police Station.

“Mas paiigtingin pa po ng Laguna PNP ang mga operasyon laban sa loose firearms dahil ang ganitong baril ay maaaring ginagamit na o magagamitin pa l sa paggawa ng krimen. Makakaasa po kayo na hanggat sa makakaya ng Laguna PNP ay gagawin namin ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Laguna,” ayon sa mensahe ni Silvio.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.