Guro arestado sa panghahalay sa 15 anyos na estudyante

0
352

Rizal, Laguna. Arestado  ang isang guro na nanghalay sa 15 anyos na estudyante sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Laguan, sa bayang ito.

Kinilala ang suspek na si Joven Ramos Intia, 24 anyos na binata at residente ng Brgy. Pauli 1 sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat na inihain ni Police Col. Randy Glenn Silvio, direktor ng Laguna Police Provincial Office kay PB General Carlito Gaces, hepe ng pulisya sa Calabarzon, si Joven, na nagtuturo sa Liceo de Calamba sa Calamba City, ang suspek sa panghahalay sa isang second year high school student noong ika-18 ng Pebrero, taong kasalukuyan. Ang krimen ay naganap sa loob ng silid-aralan ng guro.

Sa mga pahayag naman ni Police Captain Rolly Dahug, hepe ng pulisya sa Rizal Laguna, matapos magsumbong sa barangay ang biktima kasama ang kanyang mga magulang, nagtago agad si Intia. 

Isang concerned citizen ang kusang tumungo sa himpilan ng pulisya at ibinahagi ang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng suspek.

Agad na isinilbi kay Joven ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Ave Zurbito Alba ng Branch 8 ng Family Court ng Calamba City, Laguna.

Binanggit din ni Gaces na si Intia ay isa sa mga most wanted na suspek sa buong Calabarzon. Dahil dito, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.