Guro, natagpuang nakabitin sa bintana ng classroom

0
519

Taal, Batangas. Natagpuang nakabitin sa grills ng bintana ng classroom ang bangkay ng isang teacher sa Mahabang Ludlod Elementary School sa bayang ito noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Police Major Edgar Lalap Majadas, OIC chief ng Taal Municipal Police Station ang biktima na si Meriel Castillo Magsino, 29, at residente ng nabanggit na lugar.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Meriel Castillo Magsino, 29, at residente ng nabanggit na lugar. Si Magsino ayon pa sa mga imbestigador ay nakagawian ng pumasok ng maaga sa kaniyang pinapasukan eskwelahan at madalas umano itong naglilinis ng school playground.

Ayon kay Majadas, isang witness ang nagsadya sa kanilang tanggapan at itinuro ang isang Mac Kevin Dimaculangan na diumano ay nakitang patakbong lumabas mula sa classroom kung saan ay nakitang nakabigit ang bangkay ni Magsino.

Ayon pa rin testigo, diumano ay madalas pumunta ang pinaghihinalaang suspect sa classroom ng biktima tuwing umaga.

Pinaghahanap ngayon ng mga pulis si Dimaculangan upang sumailalim sa imbestigasyon.

Si Magsino ay natagpuan ng kaniyang kapuwa guro bandang ika- 6 ng umaga nong Huwebes na nakabigti ang leeg sa grills ng bintana.  Nakita rin ang mga patak ng sariwang dugo sa sahig ng eskwelahan.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.