MAYNILA. Asahan ang malawakang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Lunes, Hunyo 23, dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, maaapektuhan ng habagat ang mga rehiyon ng Metro Manila, Calabarzon, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Soccsksargen, Davao Region, at mga lalawigan ng Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan. Inaasahan sa mga lugar na ito ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at mga thunderstorm.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga isolated rain showers o thunderstorms, na dulot pa rin ng habagat.
Paalala ng PAGASA, posibleng magdulot ng flash floods o landslide ang malalakas na buhos ng ulan lalo na sa mga mabababang lugar o bulubunduking bahagi ng bansa.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto at ugaliing subaybayan ang mga weather advisory para sa kanilang kaligtasan.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






