Habang aking hinihiwa, ako ay pinaluluha

0
514

Hindi maitatanggi ang hilig ng pinoy sa ginisa na may sibuyas. Isa ito sa pinaka mahahalagang sangkap sa pang araw araw nating lutuin. Kaya naman hindi nawawala ang sibuyas sa ating mga. Walang sikat na ulam ang walang sibuyas. Lagi itong present bilang pampasarap ng ating mga putahe.

Ang lalawigan ng Nueva Ecija  na 50% low land at 50% highland ang sentrong taniman ng sibuyas sa Pilipinas kaya ito ay itinuturing na onion basket ng bansa. Ang lalawigan ng Bongabon ang kilalang sibuyas country dahil ang lugar na ito ay angkop para sa pagpapatubo ng sibuyas. Dito sa Bongabon ay dinarayo ang Sibuyas Fesfival tuwing Abril 1 hanggang 10.

Si Armando Giron ang maituturing na ama ng Sibuyas Festival  at co- founder nito  ay isa sa aming kaibigan ni Myrna. Siya ang may ari ng Giron Botanic Culture, & Arts Center at isa sa mga pundasyon ng industriya ng sibuyas sa Bongabon. Sa sandali namin kwentuhan ay naibahagi nya ang kahalagahan ng agrikultura ng  sibuyas sa kanilang lalawigan. Sa pamamagitan nito ay nakapagbibigay siya ng kabuhayan sa ating mga kababayan. 

Sabi nga ni Ginoong Giron, sa kanilang lugar walang tambay, at walang tamad. Ang 51% ng produksyon ng sibuyas ay nanggagaling sa Bongabon at ang ilan porsyento ay nanggagaling naman sa San Jose, Talavera, Rizal, Laur at iba pang bayan sa Nueva Ecija. 

Ang binhi ng sibuyas ay kalimitan nanggagaling sa ibang bansa. Ipinupunla nila ito at saka itatanim sa mga plots. Ang gusto ng sibuyas ay lupang medyo basa. Kailangan din ng irrigation pero hindi kagaya ng patubig sa palay na nakababad kundi parang dumadaan lang ang tubig. 

Kalimitan sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre ay nagsisimula na pagtatanim ng sibuyas ang mga Nueva Ecijanos. Mag aani naman sila mula Enero hanggang Abril. May sapat silang cold storage na imbakan mga metro toneladang ani ng sibuyas. 

Maraming variety ng sibuyas at bawat isa ay may kanya kanyang gamit. Ang mga pulang sibuyas ay matamis, ang orange ay maanghang at ang puti ay semi-sweet. 

Ang Sulfoxides ay isang natural na  kemikal na nagbibigay ng malakas na aroma at lasa sa sibuyas. Kapag ang sibuyas ay hiniwa, ang mga pader ng cell nito ay sumasabog nagko-convert sa sulfoxides sa gas na nakakapagpaluha kapag nahhihiwa tayo ng sibuyas.

na pumapasok sa ating mga mata. Ganun pa man, kahit pinapaluha tayo ng sibuyas ay  maraming benipisyo ito sa ating kalusugan. Nakakatulong ito sa mga may diabetes, may sipon, lagnat, ubo, at may sakit sa puso. 

Maaring interesado tayong magtanim ng sibuyas ngunit ang pagtatanim nito ay mas magiging madali kung aalamin natin kung ano  ang mga tamang proseso sa pagtatanim nito upang masulit ang ating puhunan. 

Kaya suportahan natin ang ating mga local farmers. Buy local po tayo dahil ito ang tanging paraan upang matulungan natin ang ating mga kababayan.

Word of the week

Therefore encourage one another and build up one another, just as you also are doing. –  1 Thessalonians 5:11

Armando Giron, isa sa mga founder ng Sibuyas Festival sa Bongabon, Nueva Ecija.
Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.