Calamba City, Laguna. Inaresto sa lungsod na ito ang No.10 most wanted person, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo C. Cruz noong Enero 16, 2022.
Nasakote sa isang manhunt operations na pinamunuan ni PLTCOL Arnel L. Pagulayan, chief ng Calamba City Police Station si Mark Anthony Bariring, 27 anyos, isang hair stylist at residente ng Barangay Uwisan, sa nabanggit na lungsod na may kasong paglabag sa RA 7610 o anti-child abuse law.
Si Bariring ay kasalukuyang nakapiit sa Calamba custodial facility at nakatakdang humarap sa kasong anti-child abuse.
“Hindi titigil ang Laguna PNP sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga most wanted hanggat hindi sila napapanagot sa ginawa nilang krimen at para mabigyan ng hustisya ang mga biktima,” ayon kay PCOL Campo.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.