Halos 1.7M Pinoy ang lalahok sa overseas absentee voting

0
490

Inaasahang lalahok sa overseas absentee voting (OAV) ang halos 1.7 milyong Pilipino sa ibang bansa na nakatakdang magsimula sa susunod na buwan, ayon sa Commission on Elections (Comelec) kahapon.

Batay sa pinakahuling datos, may kabuuang 1,697,215 ang nakarehistro bilang mga botante sa ibang bansa. Ang 1,677,631 dito ay land-based voters habang 19,584 ay sea-based voters.

Halos kalahati ng mga botante sa ibang bansa ay nakabase sa Middle East at Africa na may 786,997, na sinundan ng rehiyon ng Asia Pacific na may 450,282 na botanteng Pilipino.

Mayroong 306,445 na botante sa North at Latin America region, habang ang European region ay mayroong 153,491 registered voters.

Ayon sa datos, pinakamarami ang mga babaeng botante na may 1,072,159 laban sa mga lalaking botante na nasa 625,056 lamang.

Ang mga botante sa ibang bansa ay boboto ng isang buwan bago ganapin ang botohan sa bansa na magsisimula sa Abril 10 at tatakbo hanggang sa araw ng halalan sa Mayo 9.

Ang mga botante sa ibang bansa ay boboto lamang ng presidente, bise-presidente, senador, at kinatawan ng party-list.

Photo Credits: JMYDS/EXPAT MEDIA
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.