Halos P3 oil price hike sasalubong sa Agosto

0
148

Hindi magandang balita ang posibleng sumalubong sa mga motorista sa pagpasok ng buwan ng Agosto dahil sa inaasahang bigtime oil price hike na maaaring umabot sa P2.60 kada litro, simula sa Martes, Agosto 1.

Ayon sa mga source mula sa oil industry batay sa naging takbo ng kalakalan sa world market noong nakaraang linggo, posibleng tumaas ang presyo ng gasolina ng P1.70 kada litro, habang ang presyo naman ng diesel ay maaaring tumaas ng P2.60 kada litro.

Bukod dito, maaari ding tumaas ang presyo ng kerosene ng hanggang P2 kada litro, ayon kay Rino Abad, direktor ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau.

Ayon kay Abad, ang pagtaas na ito ay dulot ng pagtaas ng interes ng US at European Central 

Bank na hindi agad nakarating upang mapigilan ang mga pagbawas sa produksyon ng Saudi Arabia.

Noong nakaraang linggo, nagtaas na ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng mga produktong petrolyo, kung saan ang gasolina ay tumaas ng P1.35 kada litro, ang diesel naman ay tumaas ng 45 sentimos kada litro, at ang kerosene ay tumaas ng 35 sentimos kada litro.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo