Handa ang PH sakaling alisin ng WHO ang Covid-19 global public health emergency

0
150

“Handa” ang bansa sakaling magpasya ang World Health Organization (WHO) na alisin ang global public health emergency na idineklara dahil sa sakit na coronavirus 2019 (Covid-19), ayo kay Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa isang media forum kahapon.

“The implications of a global health emergency or the public health emergency definitely will be in our borders and we have seen and that slowly we have eased our restrictions across our borders also and until now we are managing our cases,” ayon kay Vergeiresa isang media forum.

Ang pahayag ay kasunod ng isang ulat na nagsasabi na ang WHO Emergency Committee ay magpupulong sa Enero 27 upang talakayin kung ang Covid-19 ay kumakatawan pa rin sa isang global health emergency.

Sa buong bansa, ang state of calamity na idiniklara dahil sa Covid-19 ay tila hindi na posibleng pahabain pa dahil dati ng nagpahayag ng pag-aalinlangan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa usapin.

Nauna dito, inirekomenda ng DOH ang isa pang extension dahil ang ilan Covid-19 response measures ay umaasa sa deklarasyon ng state of calamity at public health emergency, kabilang ang pagbabakuna.

“If and when the public emergency will be lifted, we know that the virus is here to stay. The Philippines will continue to be cautious and vigilant, and we will still be imposing these same restrictions that we have right now which are not so much strict, but we have that safeguard that anytime cases will increase, we have our safeguards that we can rely on and we can impose to better protect Filipinos,” ayon kay Vergeire.

Sa kasalukuyan, ang mga impeksyon sa Covid-19 at mga phospital admissions ng malubha at kritikal na mga kaso sa bansa ay nagsisimula nang mag-plateau pagkatapos ng bahagyang pagtaas kamakailan.

Noong Lunes, iniulat ng DOH ang 6-porsyento na pagbaba sa pang-araw-araw nitong average ng mga bagong kaso — mula noong nakaraang linggo ay 447 hanggang 419 nitong nakaraang linggo.

Sa ngayon, ang bansa ay nakapagtala ng mahigit 4 na milyong kaso ng Covid-19 at higit sa 65,590 na namatay.

Ang mga admission sa Covid-19 ay nananatiling manageable  na may 17.2 porsyento lamang o 402 sa 2,340 intensive care unit (ICU) beds at 20 porsyento o 3,917 sa 19,607 non-ICU bed ang nagamit noong Enero 15. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.