Handa na ang Comelec na iproklama ang 12 senador

0
278

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na handa silang iproklama ang mga nanalong senador sa katatapos lang na botohan noong Mayo 9 matapos matiyak na ang Certificates of Canvass (COCs) mula sa mga lugar na magsasagawa ng mga espesyal na botohan o hindi pa nagsasagawa ng halalan ay hindi na makakaapekto sa kabuuang senatorial rankings.

Nais nilang maisagawa kaagad ang proklamasyon, ayon kay acting poll body spokesman, lawyer John Rex Laudiangco.

Kabilang sa mga nakatakdang magsagawa ng espesyal na botohan ang 14 na barangay sa Lanao del Sur.

Ang mga overseas post  sa Beijing, China na hindi pa nagdaraos ng halalan dahil sa ipinatupad dito lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19.

“By immediate, we mean that the canvass had practically covered and most of the COCs and those remaining votes perhaps referring to a special election will not anymore affect the canvass,” ayon kay acting poll body spokesman, lawyer John Rex Laudiangco sa isang press conference.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo