Handa na ang Comelec sa unang presidential at VP debates bukas, Marso 19 at 20

0
525

Nag aanyaya ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na panoorin ang unang Pilipinas Debates 2022 ngayong weekend.

Sinabi ni Commissioner George Erwin Garcia na ang unang presidential at vice presidential debate ay gaganapin sa Sofitel Tent sa Pasay City sa Marso 19 (bukas) at 20, sa alas-7 ng gabi.

“Join us in the debates because we have to know our candidates. We have to know our candidates. This is our contribution in at least ensuring that the voters are fully aware of who they are voting for, of their qualifications, of their positions,” ayon sa kanya sa isang press briefing kagabi.

Tiniyak din niya na magiging patas ang kaganapan sa lahat ng kalahok.

“We will ensure that we will be able to do it impartially, fairly, at the same equal opportunity for everyone to talk to the voters,” ayon sa kanya.

Ang mga debateng gaganapin ngayong weekend ay ang una sa limang serye ng debate na inorganisa ng Comelec para sa mga kandidatong tumatakbo sa mga pambansang posisyon.

Siyam sa 10 presidential candidates ang nakatakdang dumalo sa March 19 event kabilang si dating presidential spokesperson Ernesto Abella, labor leader Leody de Guzman, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, dating National Security Adviser Norberto Gonzales, Senator Panfilo Lacson, Senator Emmanuel Pacquiao, negosyanteng Faisal Mangondato, Dr. Jose Montemayor Jr., at Bise Presidente Leni Robredo.

Nauna nang sinabi ni abogadong si Vice Rodriguez, tagapagsalita ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi sasali ang standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang mga debate.

Ang mga kalahok sa vice presidential debate na gaganapin sa Marso 20 ay sina Walden Bello, Rizalito David, Manny Lopez, Dr. Willie Ong, Senator Francis Pangilinan, Carlos Serapio, at Senate President Vicente Sotto III.

Pormal nang tumanggi si dating Manila mayor Lito Atienza dahil sa medikal na dahilan.

Hindi rin dadalo ang running mate ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Gayunpaman, sina Marcos at Duterte ay hindi pa nagsusumite ng nakasulat na paunawa sa poll body hinggil sa hindi nila paglahok sa mga debate.

Sinabi ng tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez na maaaring panoorin ng publiko ang mga debate sa telebisyon dahil ang lahat ng mga local channel ay magpapalabas ng programa.

Mapapanood din online ang debate dahil sabay-sabay itong i-stream sa lahat ng social media page ng poll body (Facebook, Twitter, at YouTube).

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.