Handa na ang PH vs super typhoon Mawar

0
395

Nakahanda na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa potensyal na pinsala ng Bagyong Mawar, na ngayon ay isa ng super typhoon sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ayon sa mga reports kahapon.

Kapag pumasok na ito sa PAR, tatawaging Betty ang Bagyong Mawar, ayon sa PAGASA, na maaaring mangyari sa Biyernes o Sabado.

Inaasahan na palalakasin nito ang habagat, na kasalukuyang kumikilos sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao, kasama ang frontal system na umaapekto sa extremong Hilagang Luzon. Malayo naman ang posibilidad na ito ay mag-landfall.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagpadala sila ng halos 690,000 relief goods “saan man sa bansa.”

May sapat ding pondo para sa pagtugon sa sakuna, kasama ang quick response fund mula sa pambansang pamahalaan, ayon pa sa DSWD.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo