Handa na ang San Pablo City para sa measles, polio, rubella vax drive sa Mayo

0
210

San Pablo City, Laguna. Nakatakdang simulan ang isang malawakang kampanya sa pagbabakuna laban sa tigdas, polio at rubella na nagta-target sa halos 26,000 na bata sa lungsod upang protektahan sila laban sa mga nabanggit na nakakahawang sakit.

Sinabi ni Dr. James Lee Ho, city health officer ng San Pablo City na ang mga healthcare workers ng lungsod ay handa na upang tumulong sa malawakan at sabay-sabay na pagbabakuna sa mga bata mula Mayo 2 hanggang 31, na pinangungunahan ng Department of Health sa ilalim ng programang “Chikiting Ligtas” sa dagdag bakuna kontra Polio, Rubella at Tigdas

“Our healthcare workers are already trained as vaccinators,” ayon kay Lee Ho at hinihikayat niya ang mga magulang at ang komunidad na suportahan ang mga vaccination teams partikular sa rural barangays.

Ipapatupad ang kampanya sa fix post sa SM San Pablo mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon kasabay ng door-to-door sa bawat barangay.

“Kakatok po ang mga healtcare workers natin sa bawat bahay at sakaling na-miss nyo ang katukan ay pwede po kayong pumunta sa permanent vaccination site sa SM San Pablo,” ayon sa advise ni Lee Ho.

Naisagawa na ng San Pablo City ang kanilang paunang kampanya upang makamit ang hindi bababa sa 95 coverage ng pagbabakuna laban sa tigdas rubella at oral polio.

Ang nationwide na measles campaign ay nagta-target ng 935,130 bata na may edad 5 taong gulang pababa.

Ang tigdas ay isang viral disease na pangunahing nakakaapekto sa mga bata at walang mabisang gamot ngunit ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna bago ang impeksyon.

“Kung ang iyong mga anak ay may mga sintomas, tulad ng lagnat, pantal, ubo, at sipon, pati na rin ang mahinang katawan at kawalan ng gana sa pagkain, dapat silang dalhin kaagad sa pinakamalapit na sentro o ospital,” ayon kay Lee Ho.

“Gawin nating ligtas ang ating mga chikiting! Kung meron po kayong mga katanungan, maari kayong sumangguni sa inyong mga pediatrician,” dagdag niya.

Ipinaabot ng Philippine Pediatric Society PDS) sa gaganapin nationwide vaccination drive sa statement of support na pinirmahan ni Dr. Florentino U. Ty, pangulo ng PDS.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.