Handang magbigay ng tulong ang pamahalaan sakaling lumala ang kalagayan ng Mayon at Taal

0
199

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)ang Alert Level ng bulkang Mayon sa Alert Level 3 matapos ang patuloy na pagtaas ng mga insidente ng pagguho ng bato

Indikasyon ito ng pagsisimula ng posibilidad ng pagputok, ayon sa Phivolcs dahil sa patuloy na pagtaas ng mga insidente ng pagguho ng bato.

Ayon sa Phivolcs sa isang abiso na inilabas nitong Huwebes, ang sunud-sunod na pagguho ng lumalaking bunton sa tuktok ng Bulkang Mayon ay nagdulot ng mas maraming bilang at dami ng mga insidente ng pagguho ng bato simula noong Hunyo 5 nang itaas ang alert status sa Antas 2.

Mula Hunyo 5 hanggang Hunyo 8, naitala ng Phivolcs ang 267 na insidente ng pagguho ng bato at dalawang bulkanikong lindol. May 54 na insidente ng pagguho ng bato mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 4.

Sa ilalim ng Alert Level 3, ipinapakita ng Bulkang Mayon ang isang malagumang pagputok ng isang bunton ng lava sa tuktok nito, na may mas mataas na tsansa ng pagdaloy ng lava at mapanganib na pyroclastic density currents na maaring makaapekto sa mga itaas hanggang gitnang bahagi ng bulkan at posibleng pagsabog sa loob ng mga linggo o araw.

Iminungkahi ng Phivolcs ang paglikas ng mga residente na nasa loob ng 6-kilometrong radius na permanenteng panganib na lugar dahil sa panganib ng mga pyroclastic density currents, pagdaloy ng lava, pagguho ng bato, at iba pang mapanganib na epekto ng bulkan.

Samantala, mahigit 100 residente sa bayan ng Laurel, Batangas ang nagkasakit na dahil sa ibinubugang sulfur dioxide, isang mapanganib na gas, ng Taal Volcano, ayon sa isang local health official.

Karaniwang idinadaing ng mga residente ang ubo at sipon, pananakit ng dibdib, at pangangati ng mata.

Sinabi ng Phivolcs na hindi pa nito itataas ang alert level para sa Taal Volcano, na kasalukuyang nasa Level 1 o “low-level unrest” category, dahil walang ibang indicators maliban sa smog.

Ang sulfur dioxide ay nakakaapekto sa baga at sa mataas na antas ay maaaring magresulta sa pagkasunog ng ilong at lalamunan, mahirap na paghinga, at malubhang sagabal sa daanan ng hangin, ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention.

Gayon pa man, hindi kasing panganib ng Mayon ang sitwasyon ng Taal, ayon sa Phivolcs.

Sinabi ng Office of the Civil Defense (OCD) kanina na nagdaos sila ng mga kumperensya sa paghahanda at koordinasyon kasama ang Phivolcs, Department of Health, at Environment Natural Resources dahil sa patuloy na pagtaas ng alert level ng bulkang Mayon at Taal.

Kaugnay nito, handa ang pamahalaan na magbigay ng tulong sakaling pumutok ang dalawang bulkan, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Huwebes.

Sinabi ni Marcos sa isang panayam sa media sa Manila Hotel, na mahigpit na binabantayan ng pamahalaan ang Bulkang Mayon at Taal.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.