Health benefits ng Oregano: Bawat tahanan ay mainam na magtanim nito

0
982

Kinagisnan na naming mga Gen X na pag may ubo, sipon at lagnat ay gumagamit ang mga magulang namin ng halamang gamot. Nakasanayan na rin ito mga nakatira sa bukid na malayo sa kabayanan upang magpakonsulta sa doctor o bumili ng gamot sa botika. Kadalasan noong araw ay nagse-self medication na lamang para sa mga minor na sakit kagaya ng ubo at sipon na dala ng malamig na panahon. 

Hindi naman masama ang gumamit ng mga halamang gamot para maibsan ang masamang pakiramdam. Sa akin kasing obserbasyon, pag masama pakiramdam ng aming mga aso ay nakikita kong kumakain sila ng mga damo at halaman sa bukid. Pagkalipas ng ilan araw ay maayos na sila. Pero bilang nurse, pinapaalala ko na ang mga halamang gamot ay pantulong lamang. Higit pa ring makabubuti kung kokonsulta agad sa doktor. 

Sa ating mga Inay at Tatay ang oregano ang una sa listahan kung ang pag uusapan ay halamang gamot. Ang nilagang oregano o oregano tea ay mahusay sa ubo. At hanggang ngayon ay ginagamit ito bilang paunang lunas sa ubo at makating lalamunan.

Ganun pa man, ayon sa mga ilang eksperto,  hindi nila hinihikayat na uminom ng katas ng Oregano ang mga batang edad 4 years old pababa. Pinag iingat din ang may mga sakit sa dugo at mga diabetic.

Bukod sa ang Oregano tea ay nakakagaling ng kati ng lalamunan, ito rin ay ginagamit sa pagluluto. Masarap ito sa pizza at ginagamit din ito sa Italian sausage at marami pang ibang lutuin.

Ang Oregano ay kabilang sa mint family. Sa Ancient Egypt, ang oregano ay ginagamit bilang preservative at antidote sa lason. Ang oregano extract o essential oil ay isang malakas na kandidato bilang natural preservative ng pagkain.

Sa amin sa bukid ay patuloy kami ni Myrna sa pagpaparami ng cuttings ng Oregano. At hinihikayat ko rin ang bawat ama at maybahay ng tahanan na magtanim nito. Isa ito sa pinadami namin at hinihikayat ko din na ang bawat tahanan ay magkaroon ng halaman ito upang ma-enjoy ng lahat ang mga benepisyo ng halamang ito.

Napakadaling buhayin at alagaan ng halamang Oregano. Sa cutting lang ay nabubuhay na na ito. Sa halagang sandaang piso (4 for 100) ay may mga Oregano na tayong maitatanim, maaalagaan at mapaparami sa lupa o sa container. 

Word of the Week

“He causes the grass to grow for the cattle, and herb for the service of man: that he may bring forth food out of the earth.” – Psalms 104:14

Oregano tea
Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.